Heaven Knows – My Favorite Song

Isang classic na paborito kong kanta ang ididiscuss ko ngayon.
Heaven Knows

 

Sinilang ako early 90s so kabataan ko madalas kong naririnig Heaven Knows ni Rick Price. At sa pag tanda ko, kada gadget na mahawakan ko na kayang mag play ng music isa ito sa unang una nilalagay at pinapakinggan ko. Up until now kahit hindi siya ideal music to test earphones, go to music ko parin siya. Medyo adik ako bumili earphones eh.

So bakit ko ba siya gusto? Well, unang una isa sa hinahanap ko sa mga kanta ay yung sense ng kanta. Ayoko ng KPop kasi hindi ko sila naiintindihan. Ayoko ng Watch Me Nae Nae kasi well. Who does?

May story yung Heaven Knows eh. At familiar yung story. Tungkol sa isang tao na gusto mag move on. Isang tao na gusto kumawala kahit masakit sa kanya. Pero tanggap niya na kailangan niya mag move on. Mula umpisa hanggang sa dulo ramdam mo yung struggle ng kumakanta kung gaano kahirap siyang i let go yung nakaraan niya. Ewan ko. Umaasa babalik pero tanggap niya na wala na. Multiple verse, great refrain, classic chorus, and yung pinaka nagustuhan ko is yung nakaka goosebumpsna bridge.

Yung Bridge.

Only Heaven Knows
Why I live in despair
‘Cause wide awake or dreaming
I know she’s never there
And all the time I act so brave I’m shaking inside
Why does it hurt me so….

Try natin tagalugin.
Alam ng langit
Bat ako malungkot
Gising man o tulog
Alam kong wala siya don
At nagpapangap na matapang
Nanginginig lang
Bakit ba ang sakit

Damn. Solid. Maraming kanta din naman na madaming lyrics pero para sa akin ito yung may dating sakin. Yung balladic story telling really gets me.

Pero personal lang naman itong Opinion ko. Basta maganda itong kantang ito. Payt Me.
Anyways ayun lang gusto ko lang magshare ng favorite kanta ko. So bye for now! Wala ako magawa so nagsulat nalang ako pantanggal stress! Haha!

PS: Tagalog Version ng Heaven Knows (Kung di pangit boses ko kinanta ko na ito hahaha)

Laging nasa isip
Mula sa pag gising
Gang sa matulog
Lagi siyang naroon
Siya lang alam ko
Kahit ang layo nya
Lumalakas lang lalo
Araw araw
At kahit na wala
Humahawak pa

Sabihin saan simula
Nasasaktan ako
Ayokong kumawala

Baka bumalik din ba lang araw
Alam ng langit to
At baka muling magtagpo puso
Alam ng langit to

Ang magagawa lang
Ay umasa
Alam ng langit

Sabi ng tropa ko
Na kung mahal mo talga
Dapat pakawalan
At kung bumalik ng mabait
Alam kong siyay akin

Sabihin saan simula
Nasasaktan ako
Ayokong kumawala

Baka bumalik din balang araw
Alam ng langit to
At baka muling magtagpo puso
Alam ng langit to

Ang magagawa lang
Ay umasa
Alam ng langit

Bat ako malungkot
Gising man o tulog
Alam kong wala siya don
At nagpapangap na matapang
Nanginginig lang
Bakit ba ang sakit

Baka bumalik din balang araw
Alam ng langit to
At baka muling magtagpo puso
Alam ng langit to

Ang magagawa lang
Ay umasa
Alam ng langit 3x

Feature Image copied from

https://genius.com/Rick-price-heaven-knows-lyrics

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s