Monthly Archives: October 2018

Anniversary with Nikia

20180422_104210

 

A year and a third ago, I wrote a piece about my past relationships.

Fast forward to today. Anniversary na namin ni Nikia. One Year na kami. Sure may ups and down pero ewan. I feel better here. Am I happy? Verging on yes, and at the very least content ako. I may not be as happy as I was with Ana. Pero in terms of growth and development, mas madami ako natututunan kay Nikia. And the perks. First, may free parking kina Nikia eh. Sure meron din naman kina Ana and Natalee, pero ang mahal ng parking pag pupunta ako sa kanila. P200 per day halos.

Pangalawa, alagang alaga ni Nikia pamilya ko. Being panganay, malaking tulong yung alaga ni Nikia sa parents ko pati mga kapatid ko. Mula ng naging kami ni Nikia, alaga agad buong pamilya ko. Hindi tulad ng iba na 6 months bago nila alagaan family mo.

Most importantly, bago kami magkita ni Nikia sa pang araw araw, hindi na ako umiiyak tulad kay Natalee noon. Dati bago ko imeet si Natalee, nasa kotse lang ako umiiyak. Nalulungkot, nasusuka. Sa iba sige kaartehan lang ito. Pero iba ang pain tolerance ko sa inyo. Hindi ako umiinom ng Soft drinks dahil nasasaktan/ayoko sa fizz, I am a weak dependent man. Kung kaya mong tiyagain ang isang toxic relationship, aba edi ikaw na. Hindi naman porket susuko ka ibig sabihin loser ka na or typical millenial ka na. At hindi rin porket nag sstay ka ibig sabihin loyal ka, minsan katangahan na yan. I left Natalee kasi personally natotoxican ako sa kanya, yung lahat ng mali mo pinupuna. And pinupuna in a way na ang pakiramdam mo ang bobo bobo mo. May nararamdamandin naman ako anxiety paminsan minsan kay Nikia minsan pero alam mo yun, I have friends who help me overcome the challenges. Not once ako sinabihan ni Nikia na ‘in a way I was expecting more kasi Dean’s Lister ka‘ who brings up stuff from a decade ago. Isang instance na nangyari with Natalee noon. May issue kasi ako noon tapos friend lang ni Natalee may alam ng sagot. So tinanong ko via Skype. Aba nagalit ba naman si Natalee sakin noon kasi daw bakit ko daw skinype pa eh nasa kabilang side lang naman daw yung friend niya. Natalee spouts efficiency pero pag may QQ ka, bawal skype dapat daw puntahan mo sa area ng friend niya para daw mag mingle. Hahahaha umay. OO NA MAARTE NA AKO.

Isa pa was nag kita kami nang weekend sa bahay niya with friends nood daw ng movie. Kahit ayoko sumama parin ako. Tapos nung tapos na movie ayun nag paalam na ako.

Aba nung monday pinagalitan ako bakit daw ako umuwi agad after ng movie dapat daw sabay sabay uuwi lahat as a team. Humaygaaadddd. OO NA MAARTE NA AKO.

Nagkasakit kasi ako non na ospital pa, and I was diagnosed with Generalized Anxiety Disorder. Dahil sa toxicity ni Natalee nagka Anxiety ako. What. Ayun after that I decided na bumitaw. Na I don’t deserve this.

A few days after that, ayun. I helped around the house. I helped myself. May pag gym pa ako. I called a friend and asked for help.

True enough ayun, nireto niya ako kay Nikia. Iba si company 😉 si Nikia. Hindi ganon yung nakasanayan ko over the previous 4 years pero ayun nga gusto ko mag reboot ng relationship.

After ilang months ng ligawan, naka ilang follow up din ako sa kanya hihihi. Naging kami ni Nikia.

Kay Nikia, a year into the relationship, ilang weeks na ata ako nag momovie ng weekend pero ok lang. I honestly don’t mind na makita siya kahit weekend (for now anyway). Kahit na 9amto6pm magkasama na kami ni Nikia araw araw. Ok lang kahit minsan umabot ako 7pm kasama siya or ayun nga kahit short notice na kelangan daw manood movie ng weekend ok lang. One year with her hindi pako na oospital. Sure nagkakasakit ako madalas (insert realistic cough here), pero lagnat lang yun. Mabuti na pakiramdam ko ulit after rest HAHAHA

Anong point ng post na ito? Wala lang.

Sharing lang siguro

Wag matakot kumawala

Sa relasyong malala

Wag mawawalan ng pagasa

Pagkat nanjan naman si Lina

Pero hindi ko nameet si Nikia via Lina. Rineto ako, HAHAHA